You are here :  
Today is : Sunday, 19 May 2013
Chief Justice Corona, Hindi Makakadalo sa Impeachment Trial Alinsunod sa Payo ng mga Doktor ng Medical City
News - Major News
Wednesday, 23 May 2012 04:02

Kinumpirma ng mga doktor ni Chief Justice Renato Corona sa Medical City, sa Pasig na hindi muna makadadalo ang punong mahistrado sa kanyang impeachment trial sa Senado.

Ayon sa pamunuan ng ospital, kailangang i-confine si Corona ng dalawang araw makaraang sumama ang pakiramdam nito nang sumalang sa witness stand sa impeachment court, kahapon.

Itinuturing din na high risk ang sitwasyon ng chief justice bunsod ng posibleng atake sa puso at hypoglycemia.

Sa kabila nito, stable na ang vital signs ni Corona na kasalukuyang nasa Intensive Care Unit.

Napag-alaman din ng mga doktor na lalong nakasama ang hindi pagkain ni Corona ng tanghalian bago magtungo sa Senado, sa Pasay City na delikado para sa isang diabetic tulad ng punong mahistrado.

Pasado ala syete kagabi nang isugod sa ICU ng Medical City ang chief justice matapos umanong mahirapan na huminga.

Samantala, hindi pa malinaw kung kailan ilalabas ng ospital ang kataas-taasang hukom.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000