You are here :
Today is : Wednesday, 22 May 2013
--- Malakanyang, Wala Pang Planong Pauwiin ang mga Pinoy sa Taiwan at Magreklamo sa UN --- Mga Pinoy, Ligtas sa Pananalasa ng Buhawi sa Oklahoma USA --- Comelec, Planong Ipagpaliban ang Barangay Elections sa Oktubre --- 12 Bagong Set ng mga Senador, Naiproklama na! --- Pilipinas, Umapela sa Taiwan na Irespeto ang Karapatan ng mga Pinoy Worker --- Comelec Chairman Sixto Brillantes, Muling Nagbanta na Magbibitiw sa Pwesto --- DOLE, Itinangging May Freeze Order ang Taiwan sa mga OFW --- 94, Arestado sa Vote-Buying --- PRC Commissioner, Sinibak ng Ombudsman --- Proklamasyon ng Anim na Nanalong Senador, Kinuwesyon ---
| Minimum Wage Increase sa Metro Manila, Tiniyak na Masusundan pa! |
| News - Major News |
| Monday, 21 May 2012 04:08 |
|
Muling madaragdagan ang arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila. Ito ang kinumpirma ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz bukod sa 30 pesos na dagdag sa Cost of Living Allowance na una nang inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board.
Ayon kay Baldoz, nakatakdang mag-isyu ang board ng advisory para sa ikalawang bugso ng wage hike sa National Capital Region. Magsisilbi anya itong guideline para sa mga private establishment hinggil sa agwat ng productivity bonuses at incentives na maaring ibigay ng isang business enterprise base sa kasunduan, sa pagitan ng mga manggagawa at management. Una nang inaprubahan ng Wage Board ang 30 pesos na salary increase ng mga obrero sa Metro Manila noong Biyernes.
|







