You are here :
Today is : Sunday, 26 May 2013
--- Malakanyang Sumakay din sa isyu ng negatibong pagsasalarawan ng Pilipinas ng isang manunulat --- Pilipinas papasaklolo sa World Opinion para sa West Philippine Sea dispute --- Mga Paring pakialamero binanatan ni Senador Santiago --- PAGCOR hindi exempted sa BIR collections --- Comelec Chairman Inamin ang problema sa PCOS --- Bomba sumabog sa Pagadian City --- Antipolo City Library Nasunog, Comelec Office nadamay --- PNP bibili ng multi-million equipment, mga bidders wanted --- OFWs pasok na ulit sa Taiwan --- Rep. Manny Pacquiao, PInakamayaman Kongresista parin ---
| Bilang ng Mga Pinoy na Walang Trabaho, Pumalo sa 13.8 Million |
| News - Major News |
| Monday, 21 May 2012 04:04 |
|
Pumalo na sa 13.8 million o 34.4 percent ang mga Pinoy na walang trabaho sa unang tatlong buwan ng taon. Sa survey ng Social Weather Stations na isinagawa noong Marso 10 – 13, lumitaw na ito ang pinakamataas na bilang ng mga tambay.
Ikinumpara ito sa 24 percent o mahigit 9.7 million na walang trabaho noong Disyembre. Naungusan din nito ang record high na 34.2 percent noong 2009. Samantala, lumabas din sa survey na 33 percent ng 1,200 repondents ang nagsabing hindi nagbago ang mga bakanteng trabaho sa loob ng labindalawang buwan. 26 percent naman ang umaasang may mga panibagong job openings habang 25 percent ang naniniwala na nababawasan ang job openings sa paglipas ng panahon. |







