| Mga Manggagawa sa Metro Manila, Tatanggap ng Dagdag 30 Pesos sa Arawang Basic Pay! |
| News - Major News |
| Friday, 18 May 2012 04:15 |
|
Karagdagang 30 piso sa basic daily pay ang matatanggap ng mga manggagawa sa Metro Manila. Ito’y makaraang aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region ang nasabing increase.
Ipinag-utos din ng Wage Board na isama ang 22 pesos na Cost of Living Allowance na inaprubahan noong nakarang taon sa basic pay ng mga manggagawa. Ibibigay ang umento sa pamamagitan ng dalawang installments kung saan matatanggap ang 20 pesos 15 araw matapos mailathala sa mga pahayagan ang wage adjustment habang ang natitirang 10 piso ay ipagkakaloob makalipas ang anim na buwan. Dahil dito, aabot sa 456 pesos ang inaasahang matatanggap ng mga minimum wage earner pagsapit ng Disyembre. Gayunman, ang inaprubahang wage hike ay malayo sa hirit ng Trade Union Congress of the Philippines na 90 pesos na increase sa arawang sahod ng mga manggagawa. |







