You are here :
Today is : Sunday, 19 May 2013
--- Pilipinas, Umapela sa Taiwan na Irespeto ang Karapatan ng mga Pinoy Worker --- Comelec Chairman Sixto Brillantes, Muling Nagbanta na Magbibitiw sa Pwesto --- DOLE, Itinangging May Freeze Order ang Taiwan sa mga OFW --- 94, Arestado sa Vote-Buying --- PRC Commissioner, Sinibak ng Ombudsman --- Proklamasyon ng Anim na Nanalong Senador, Kinuwesyon --- Nancy Binay, Hindi Sumipot sa Kanyang Proklamasyon Bilang Senador --- Anim na Nanalong Senador, Naiproklama na! --- 12 Nanalong Kandidato sa Pagkasenador, Ipoproklama sa Myerkules ng Gabi --- Tensyon sa Bahay ng mga Revilla sa Cavite, Pinaiimbestigahan ng DOJ ---
| Manny Pacquiao, ika-33 sa Most Powerful Celebrities, Ayon sa Forbes Magazine |
| News - Major News |
| Thursday, 17 May 2012 07:07 |
|
Nasa ika-33 pwesto sa listahan ng Forbes magazine ng 100 most powerful celebrities sa buong mundo si Filipino Boxing Icon Manny Pacquiao. Nanguna naman sa listahan ang singer na si Jennifer Lopez, base sa pinagsama-samang kita nito, press coverage at internet presence.
Pumangalawa ang television presenter na si Oprah Winfrey na sinundan ng teen heartthrob na si Justin Bieber sa ikatlong pwesto habang pang-apat ang singer na si rihanna. Ayon sa Forbes, umabot sa 67 million dollars ang kinita ni Pacquiao sa nakalipas na 12 buwan. Kumpara ito sa kinita nina Lopez na 52 million; Bieber, 55 million; at Rihanna, 53 million dollars. Pinakamalaki naman ang kinita ni Oprah na umabot sa 165 million dollars. |







