You are here :  
Today is : Thursday, 23 May 2013
PNP, Pinaghahandaan na ang Seguridad para sa Pagbubukas ng Klase
News - Major News
Wednesday, 16 May 2012 03:57

Inatasan na ng Philippine National Police ang lahat ng unit nito na maghanda na para sa pagbubukas muli ng klase sa mga pampublikong paaralan sa elementarya  at sekondarya.

Ito’y upang masawata ang mga masamang elemento tulad ng mga snatcher na sasamantalahin ang pagdagsa ng mga estudyante sa pasukan sa Hunyo 4.

Ayon kay PNP Chief, Director General Nicanor Bartolome, pinagsusumite niya ng deployment plans ang lahat ng police unit lalo sa paligid ng mga unibersidad.

Samantala, muling inilunsad ng Department of Trade and Industry ang "Diskwento Caravan" sa Quezon City upang magbenta ng school supplies sa mababang presyo.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000