You are here :  
Today is : Friday, 24 May 2013
Kampo ni GMA, Handang Makiusap kay PNoy para Payagan Itong Makapagpagamot sa Ibang Bansa
News - Major News
Wednesday, 16 May 2012 03:43

Handa nang makiusap ang kampo ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Arroyo kay Pangulong Noynoy Aquino upang payagan itong makapagpagamot sa ibang bansa.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, maghahain sila ng resolusyon para umapela sa mga kaalyado ng pangulo sa kamara para maisagawa na ang operasyon kay Arroyo.

Sinabi ni Suarez na malala na ang kondisyon ni Ginang Arroyo at kailangan nito ng agarang pagtugon ng mga espesyalista.

Anya, ayaw operahan ng mga doktor sa Pilipinas ang Pampanga congresswoman dahil sa posibilidad na ikamatay nito ang maselang operasyon.

Una nang sinabi ni PNoy na kailangan munang pakinggan ang opinyon ng mga eksperto dahil mahirap kapag basta na lamang pinapaniwalaan ang sinasabi ng kampo ni Arroyo.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000