| 200,000 Banana Farmers, Apektado sa Pagbabawal ng China na Mag-Angkat ng Saging sa Pilipinas |
| News - Major News |
| Tuesday, 15 May 2012 08:52 |
|
Halos 200,000 manggagawa sa mga banana plantation sa Davao region ang maaapektuhan sa sandaling hindi maresolba ang lamat sa trade relations sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Una nang pinagbawalan ng China ang Pilipinas na mag-export ng mga saging makaraang madiskubre na may pesto umano ang mga ito.
Ayon kay Stephen Antig, pangulo ng Philippine Banana Growers and Exporters Association, ito ang unang beses na nagbawal ang China na mag-ship ang Pilipinas ng mga saging mula Davao. Posible rin anyang bumaba ang 6 billion pesos na kinita sa banana export noong isang taon kung ipagbabawal pa rin ng Chinese government na makapasok sa kanilang merkado ang mga nabanggit na prutas. Samantla, ilang bansa na ang nagpahayag ng interes na umangkat ng saging mula Pilipinas. Ito, ayon kay Antig, ay ang Italy; Russia at Mongolia. Posible ring maging target market ang mga ito ng Pilipinas para sa banana export kapalit ng China. Gayunman, aminado si antig na hindi gaanong kikita ang mga negosyante sa pag-ship ng mga saging sa Italy; Russia at Mongolia dahil gagastos ng malaki ang mga exporter sa pagbiyahe ng kanilang mga produkto. Napakalayo anya ang mga nabanggit na bansa at hindi rin kakayanin ng pamahalaan ang gastos upang i-subsidize ang krudo para sa mga importer. |







