| China, Ipinagbawal ang Pangingisda sa Panatag Shoal |
| News - Major News |
| Monday, 14 May 2012 13:46 |
|
Mistulang inangkin na ng China ang kabuuan ng West Philippine Sea. Ito’y nang pansamantalang ipagbawal ng Chinese Ministry of Agriculture ang pangingisda sa malaking bahagi ng naturang dagat sa gitna ng standoff sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa Panatag Shoal.
Ipatutupad ang ban simula Mayo 16 hanggang Agosto 1 upang "magkaroon ng pagkakataon ang mga isda at ibang marine species na makarekober. Gayunman, sinabi ni Hua Zhang, spokesman ng Chinese embassy sa Maynila na hindi pa tiyak kung pansamantalang lilisanin ng mga Chinese fishing vessel ang pinag-aagawang teritoryo. Ito, anya, ay dahil hinihintay pa nila ang utos mula sa nabanggit na ahensya. Taong 1999 nang simulan ng China ang summer fishing. Sa sandaling lumabag sa ban, kukumpiskahin ang mga bangka o barko; nahuling isda at fishing gear ng mga mangingisda at pagmumultahin o sususpendihin ang lisensya tsino man o hindi. Bukod sa Pilipinas at Tsina, nangingsda rin sa West Philippine Sea ang ilang dayuhan tulad ng mga Vietnamese; Malaysian at Indonesian. |







