You are here :  
Today is : Saturday, 25 May 2013
11 Patay sa Jeep na Nahulog sa Bangin sa Bontoc, Mt. Province
News - Major News
Monday, 14 May 2012 06:13

Umabot ng 11 katao ang nasawi nang mahulog sa bangin at dumiretso sa ilog ang isang amianan passenger jeepney sa Bontoc, Mt. Province.

Ayon sa ulat ng Mountain Province PNP, nasa 150 ang lalim ng bangin kung saan tumilapon ang sasakyan lulan ang 30 katao.

Patungo sana sa barangay Dalican ng nasabing bayan ang jeepney nang bigla na lamang mahulog ang sasakyan sa may Upper Balikyan at dumausdos sa ilog.

Kaagad na namatay ang anim na pasahero habang sumunod namang binawian ng buhay ang limang iba pa sa ospital.

Isinisi naman sa overloading ang trahedya lalo na’t inamin ng pulisya na maging sa bubong ng jeep ay may pasahero.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000