You are here :  
Today is : Sunday, 26 May 2013
Pagsalang ni Corona sa Impeachment Trial, Posibleng Hanggang sa Susunod na Linggo
News - Major News
Monday, 14 May 2012 06:09

Posibleng sa Huwebes o sa susunod na Lunes sumalang sa witness stand si Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial nito sa Senado.

Ito, ayon kay Defense Lawyer Ramon Esguerra, ay depende sa  kahihinatnan ng paglilitis ngayong linggo.

Plano anya nilang ngayong linggo na tapusin ang lahat tulad ng pagpiprisinta ng mga ebidensya at testigo.

Gayunman, aminado si Esguerra na maaring tumagal ang presentation of evidences dahil inaasahang gigisahin ng mga senator-judge ang  ilang  witness.

Plano naman ng defense team na magprisinta  ng limang testigo sa senate impeachment court ngayong linggo.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000