| Seguridad sa Chinese Embassy, Hinigpitan sa Harap ng Kilos Protesta Laban sa China |
| News - Major News |
| Friday, 11 May 2012 04:09 |
|
Tinatayang 200 pulis ang idedeploy sa paligid ng Chinese Embassy sa Makati City. Ito’y bilang paghahanda sa ilulunsad na kilos protesta ng mga militanteng grupo, mamaya laban sa pang-bubully ng China sa Pilipinas kaugnay sa territorial dispute sa Scarborough o Panatag Shoal.
Ayon kay Makati City Police Chief, Supt. Jaime Santos, idedeploy ang mga pulis sa Gil Puyat Avenue upang matiyak na magiging mapayapa ang kilos protesta na pangungunahan ng Grupong Akbayan. Tinatayang 500 hanggang isanlibo anya ang inaasahang lalahok sa naturang aktibidad na tinawag na “Global Day of Action Against China’s Bullying in the West Philippine Sea.” Ilang grupo naman ng mga Filipino groups sa Estados Unidos; Canada; Australia; Thailand; South Africa; Germany; United Arab Emirates at Hong Kong ang maglulunsad din ng kilos protesta laban sa China. Iginigiit pa rin ng Tsina na pag-aari nila ang panatag shoal sa kahit pa napakalapit ng pinag-aagawang teritoryo sa Pilipinas partikular sa lalawigan ng Zambales. |







