You are here :  
Today is : Monday, 20 May 2013
Dating Pang. Gloria Arroyo, Kailangang Maoperahan sa Ibang Bansa
News - Major News
Friday, 11 May 2012 04:02

Kailangang maoperahan agad sa ibang bansa si dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ayon sa source na malapit sa Pamilya Arroyo, maselan ang kondisyon ng dating pangulo bunsod ng komplikasyon mula sa nauna nitong operasyon sa batok.

Aniya, ang nararanasang “choking sensation” o  hirap sa paglunok ni Ginang Arroyo ay bunsod ng titanium implant na nakausli sa kanyang esophagus.

Ito umano ang lumabas sa findings ng Quantum Electrochemistry examination na isinagawa ng cardiologist na si Robert Anastacio sa dating pangulo, sa Makati Medical Center , kahapon.

Nagpasya ang kinatawan ng Pampanga na sumailalim sa pagsusuri sa Makati Med matapos makaranas ng paninikip ng dibdib at hirap sa paglunok.

Matapos ang pagsusuri ay bumalik si Ginang Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City kung saan ito naka-hospital arrest sa kasong electoral sabotage.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000