| Pacquiao, Hindi pa rin Naaayos ang Problema sa BIR |
| News - Major News |
| Friday, 11 May 2012 03:59 |
|
Hindi pa rin naisusumite ni Sarangani Representative Manny Pacquiao ang mga dokumento na hinihingi sa kanya ng Bureau of Internal Revenue. Ito ang kinumpirma ni BIR Commissioner Kim Henares, kasabay ng pagbibiro na kaya hanggang ngayon ay hindi naisusumite ni Pacquiao ang mga dokumento ay dahil busy ito sa kanyang boxing training.
Lumipad patungong Estados Unidos si Pacman, noong weekend para idepensa ang kanyang WBO welterweight title laban kay Timothy Bradley, sa Hunyo 9. Iginiit muli ni Henares na hindi nila hina-harass si Pacquiao nang obligahin nila ito na iprisinta ang mga dokumento na magpapatunay sa kanyang mga kinikita. Sinabi rin ng komisyuner na binigyan nila ang pambansang kamao ng sapat na panahon para ayusin ang deficiencies nito sa ahensya. |







