You are here :  
Today is : Saturday, 25 May 2013
Fil-Mexican na si Jessica Sanchez, Pasok sa Top 3 ng American Idol
News - Major News
Friday, 11 May 2012 03:57

Pasok sa top 3 ng American Idol Season 11 ang Filipina-Mexican na si Jessica Sanchez.

Kasama ni Jessica sa top 3 sina Joshua Ledet at Philip Philips matapos matanggal si Hollie Cavanaugh.

Pinanindigan ni Sanchez ang kinanta niya na "And I'm Telling You I'm Not Going" na isa sa kanyang memorable performances sa Idol.

Sa ngayon ay napantayan na ni Jessica ang narating ng Filipina-American na si Jasmine Trias na nakapasok din sa top 3 sa third season ng U.S. TV show.

Inaasahan na ng mga sumusubaybay sa American Idol ang finals showdown sa pagitan ng labing-anim na taong gulang na si Sanchez at Ledet na idineklara ring safe, kanina.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000