You are here :
Today is : Saturday, 25 May 2013
--- Malakanyang Sumakay din sa isyu ng negatibong pagsasalarawan ng Pilipinas ng isang manunulat --- Pilipinas papasaklolo sa World Opinion para sa West Philippine Sea dispute --- Mga Paring pakialamero binanatan ni Senador Santiago --- PAGCOR hindi exempted sa BIR collections --- Comelec Chairman Inamin ang problema sa PCOS --- Bomba sumabog sa Pagadian City --- Antipolo City Library Nasunog, Comelec Office nadamay --- PNP bibili ng multi-million equipment, mga bidders wanted --- OFWs pasok na ulit sa Taiwan --- Rep. Manny Pacquiao, PInakamayaman Kongresista parin ---
| Tulfo Brothers (T3), Pinatawan ng 20 Araw na Suspensyon ng MTRCB |
| News - Major News |
| Thursday, 10 May 2012 08:31 |
|
Pinatawan ng 20 araw na suspensyon ng Movie and Television Review and Classification Board ang "T3 Kapatid Sagot Kita" na programa ng magkakapatid na Erwin, Raffy at Ben Tulfo sa TV5. Kasunod ito ng pagbabanta ng mga nakababatang kapatid ng kolumnistang si Mon Tulfo sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.
Sa preliminary conference, kanina, nagdesisyon ang MTRCB na ipatupad ang preventive suspension, simula ngayong araw. Nag-ugat ang pagbabanta ng Tulfo brothers laban sa showbiz couple matapos masaktan sa suntukan ang kuya nilang si Mon nang magpang-abot ito at si Santiago, sa NAIA Terminal 3, noong Linggo. Ayon kay MTRCB member Eugenio “Toto” Villareal, isasagawa ang susunod na hearing, sa susunod na Huwebes. |







