You are here :  
Today is : Wednesday, 19 June 2013
China, Binalaan ang Kanilang Mamamayan sa Pilipinas sa Nakatakdang Anti-Chinese Protests
News - Major News
Thursday, 10 May 2012 05:10

Binalaan ng China ang mga mamamayan nito sa Pilipinas partikular sa Maynila na mag-ingat at umiwas sa mga kalsada, bukas.

Ito’y upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa ikinakasang anti-Chinese protests  ng  mga militanteng grupo kaugnay sa standoff sa pagitan ng Pilipinas at tsina  sa Scarborough o Panatag Shoal.

Tinatayang isanlibo ang lalahok sa kilos protesta na isasagawa sa tapat ng Chinese embassy sa Makati City na inorganisa ng ilang grupo tulad ng Akbayan party sa pangunguna ng dati nitong kinatawan na si Risa Hontibveros.

Ikinakasa rin ng ilang Filipino sa ibang bansa ang mga demonstrasyon sa tapat ng mga Chinese embassy at consulate sa Estados Unidos; Canada; Australia; Italy at Hongkong.

Sa kabila nito, nagpapatuloy ang negosasyon nina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Chinese Ambassador to the Philippines Ma-Keqing upang maresolba ang territorial dispute.

 

Live Video Streaming

typhoon 2000