| Isa pang Kapatid ng Dominguez Brothers, Suspek na rin sa Pagpatay sa Star Witness na si Alfred Mendiola |
| News - Major News |
| Thursday, 10 May 2012 05:06 |
|
Isa nang suspek sa pagpatay sa star witness na si Alfred Mendiola ang nakababatang kapatid nina Raymond at Roger Dominguez na sinasabing mga lider ng carjacking syndicate na naka-base sa Bulacan. Ayon kay DILG Secretary Jesse Robredo, tugma sa basyo ng kalibre 45 na narekober sa crime scene kung saan natagpuan ang bangkay ni Mendiola ang isa sa dalawang baril na kinumpiska mula sa 20 anyos na si Ryan Dominguez. Ang nakababatang Dominguez kasama ang tatlong iba pa ay inaresto sa Malolos, Bulacan dahil sa illegal possession of firearms, explosives at drugs. Si ,endiola, kasama ang dalawang iba pa ay natagpuang patay sanhi ng tama ng bala ng kalibre 45, sa Dasmariñas, Cavite, noong Linggo. Ang magkapatid na Raymond at Roger ay nahaharap sa car theft with homicide charges dahil sa pagpatay sa mga car dealers na sina Venzon Evangelista at Emerson Lozano noong Enero ng nakaraang taon. |







