You are here :  
Today is : Tuesday, 18 June 2013
Writ of Amparo Laban kay CGMA Kaugnay ng NBN-ZTE Deal, Ibinasura ng Korte Suprema
News - Major News
Tuesday, 08 May 2012 04:54

Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Court of Appeals na nagbasura sa petition for writ of amparo na inihain ng whistleblower na si Rodolfo Jun Lozada laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo kaugnay ng ibinasurang NBN-ZTE Deal.

Respondent din sa kaso sina dating Executive Secretary Eduardo Ermita, dating PNP Chief Avelino Razon, Aviation Security Group Agent Rodolfo Valeroso at Manila International Airport Asst. General Manager for Security Angel Atutubo.

Sa full court ruling ng Korte Suprema, ibinasura ng hukuman ang petition for review ni Lozada dahil sa pagiging moot and academic.

Kinatigan ng Kataas-Taasang Hukuman ang nauna nang pagbasura ng Court of Appeals sa writ of amparo.

Nag-ugat ang kaso sa paratang ni Lozada na dinukot siya ng mga security force ng gobyerno nang dumating siya sa bansa mula sa Hong Kong noong February 2008 para mapigilang tumestigo sa pagdinig ng Senado kaugnay ng NBN-ZTE controversy.

 

 

Live Video Streaming

typhoon 2000