You are here :  
Today is : Sunday, 19 May 2013
PNoy, Muling Binanatan si Dating Pangulong Arroyo sa ADB Board of Governor's Meeting
News - Major News
Friday, 04 May 2012 06:08

Tiniyak ni Pangulong Noynoy Aquino sa Asian Development Bank na hindi magmimistulang tubig na tatagas sa basag na timba ang financial assistance na ibinibigay nito sa Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa 45th annual meeting ng ADB Board of Governors, sa PICC, sa Pasay City, sinamantala ng pangulo ang pagkakataon para ipakita ang pagkakaiba ng aniya’y corrupt na nakalipas na administrasyon at pagbabago na kanyang ipinatupad.

Muling binanatan ni Ginoong Aquino ang mahigit siyam na taong panunungkulan ni dating Pangulong Gloria Arroyo kung saan naging talamak aniya ang korapsyon.

Dahil aniya rito ay bumagsak ang domestic investments at atubili ang mga foreign investor na maglagak ng negosyo sa Pilipinas.

Ibinida naman ng pangulo sa mahigit 4000 delegado mula sa iba’t ibang bansa ang paglaban nito sa korapsyon at pagpapaunlad sa imprastraktura, edukasyon at health care.

Gayundin ang transparency, accountability at good spending ng pamahalaan at paglikha ng maraming trabaho para umunlad ang ekonomiya.

Tiniyak din ni Ginoong Aquino ang commitment ng kanyang administrasyon sa program agenda at ipagpapatuloy ang mga reporma kung saan kabilang sa tutukan ang agrikultura, turismo at imprastraktura.

 

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000