You are here :
Today is : Sunday, 19 May 2013
--- Pilipinas, Umapela sa Taiwan na Irespeto ang Karapatan ng mga Pinoy Worker --- Comelec Chairman Sixto Brillantes, Muling Nagbanta na Magbibitiw sa Pwesto --- DOLE, Itinangging May Freeze Order ang Taiwan sa mga OFW --- 94, Arestado sa Vote-Buying --- PRC Commissioner, Sinibak ng Ombudsman --- Proklamasyon ng Anim na Nanalong Senador, Kinuwesyon --- Nancy Binay, Hindi Sumipot sa Kanyang Proklamasyon Bilang Senador --- Anim na Nanalong Senador, Naiproklama na! --- 12 Nanalong Kandidato sa Pagkasenador, Ipoproklama sa Myerkules ng Gabi --- Tensyon sa Bahay ng mga Revilla sa Cavite, Pinaiimbestigahan ng DOJ ---
| Philippine Coast Guard, Magpapadala ng Islander Plane sa Panatag Shoal |
| News - Major News |
| Friday, 04 May 2012 06:08 |
|
Magpapadala ang Philippine Coast Guard ng isang islander plane sa Scarborough o Panatag Shoal. Ito, ayon kay PCG Commandant, Vice Admiral Edmund Tan, ay upang kumuha ng footage sa pinag-aagawang teritoryo.
Nilinaw naman ni Tan na hindi dapat magdulot ng tensyon ang idedeploy na eroplano dahil layon lamang nito na i-monitor ang sitwasyon ng mga barko ng Pilipinas at China sa panatag. Bagaman nasa 20 na ang barko ng Tsina sa Panatag o Bajo de Masinloc, dalawa lamang ang vessel ng Pilipinas na nagbabantay sa nabanggit na isla. Ito ay ang mga barko ng Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic resources na halos dalawang linggo nang nag-papatrol sa Panatag. |







