You are here :  
Today is : Sunday, 19 May 2013
Mga Reporma sa Gobyerno, Ipinagmalaki ni PNoy sa ADB Board of Governors Meeting
News - Major News
Friday, 04 May 2012 05:56

Ipinagmalaki ni Pangulong Noynoy Aquino sa 45th Annual Meeting of the Board of Governors of Asian Development Bank ang mga repormang ipinatupad ng kanyang administrasyon.

Sa talumpati ng pangulo, sa ika-3 araw ng ADB meeting, sa PICC Pasay City, ibinida nito sa mahigit 4000 delegado mula sa iba’t ibang bansa ang paglaban sa korapsyon, pagpapaunlad sa imprastraktura, edukasyon at health care.

Gayundin ang transparency, accountability at good spending ng pamahalaan at paglikha ng maraming trabaho para umunlad ang ekonomiya.

Tiniyak din ni Ginoong Aquino ang commitment ng kanyang administrasyon sa program agenda at ipagpapatuloy ang mga reporma kung saan kabilang sa tutukan ang agrikultura, turismo at imprastraktura.

Bukas ang huling araw ng ADB meeting na nagsimula noong Martes.

 

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000