You are here :
Today is : Thursday, 23 May 2013
--- Malakanyang, Wala Pang Planong Pauwiin ang mga Pinoy sa Taiwan at Magreklamo sa UN --- Mga Pinoy, Ligtas sa Pananalasa ng Buhawi sa Oklahoma USA --- Comelec, Planong Ipagpaliban ang Barangay Elections sa Oktubre --- 12 Bagong Set ng mga Senador, Naiproklama na! --- Pilipinas, Umapela sa Taiwan na Irespeto ang Karapatan ng mga Pinoy Worker --- Comelec Chairman Sixto Brillantes, Muling Nagbanta na Magbibitiw sa Pwesto --- DOLE, Itinangging May Freeze Order ang Taiwan sa mga OFW --- 94, Arestado sa Vote-Buying --- PRC Commissioner, Sinibak ng Ombudsman --- Proklamasyon ng Anim na Nanalong Senador, Kinuwesyon ---
| Bise Alkalde ng Mambusao, Capiz, Pinatay sa Tapat ng Kanyang Bahay |
| News - Major News |
| Friday, 04 May 2012 04:09 |
|
Patay ang bise alkalde ng bayan ng Mambusao, sa Capiz makaraang tambangan ng hindi nakilalang lalaki. Kinilala ang biktima na si Vice Mayor Abel Martinez na pinagbabaril sa tapat ng bahay nito, sa barangay poblacion proper, dakong 6:30 AM ng Byernes.
Ayon kay Chief Inspector Leomindo Vipinoza, hepe ng Mambusao Police, isinugod pa sa ospital si Martinez subalit binawian din ito ng buhay bunsod ng anim na tama ng kalibre 45. Palaisipan pa kung ano ang motibo sa pamamaslang at sino ang nasa likod nito. Gayunman, hinihinalang pulitika ang motibo sa krimen dahil sa balak ni Martinez na muling tumakbo sa 2013 midterm elections.
|







