| Gastos ng Pamahalaan sa Advertisements ng "It's More Fun in the Philippines," Umabot sa Php 63 M |
| News - Major News |
| Thursday, 03 May 2012 06:01 |
|
Umabot sa 63 milyong piso ang ginastos ng gobyerno sa advertisement para i-bida ang magandang imahe ng Pilipinas sa ibang bansa. Bukod sa Cable News Network, ipinapakita rin sa iba't ibang pahayagan at istasyon ng radyo sa ibang bansa ang commercial na nagpapakita kung bakit "It's More Fun In The Philippines."
Sinabi naman ni dating Finance Secretary Roberto de Ocampo na dapat ayusin muna ng pamahalaan ang ilang problemang may direktang epekto sa turismo kaysa gumastos ng milyon-milyong piso para pagandahin ang imahe ng bansa. Ipinaliwanag naman ng Malakayang na kailangang makipagsabayan ng Pilipinas sa ibang bansa para paunlarin ang turismo. Naniniwala si Budget Secretary Florencio Abad na makatutulong ang advertisements para mahikayat ang mga turista, gayundin ang mga mamumuhunan na magtungo sa Pilipinas.
|







