You are here :  
Today is : Sunday, 19 May 2013
Bilang ng mga Pinoy na Mahirap ang Tingin sa Sarili, Lalong Dumami!
News - Major News
Thursday, 03 May 2012 06:00

Tumaas ang bilang ng mga Filipino na itinuturing na sila ay mahirap sa unang quarter ng taon kumpara noong Disyembre.

Sa March 10 to 13 survey ng Social Weather Stations sa 1200 respondents, 55 percent  o  katumbas ng 11.1 million families ang nagsabi na sila ay mahirap.

Mataas ito ng sampung puntos kumpara sa 45 percent  o  9.1 million families na nagsabing sila ay mahirap noong Disyembre.

Lumitaw din sa survey na 9.1 million families ang ikinu-konsidera ang kanilang sarili na mahirap kung pagkain ang pag-uusapan kumpara sa 7.2 million families sa nakalipas na quarter.

Sinabi ng SWS na ang bagong level ng self-rated poverty ang pinakamataas, sa ngayon, sa ilalim ng Aquino administration na nangakong babawasan ang kahirapan.

 

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000