You are here :  
Today is : Friday, 24 May 2013
Dating First Gentleman Mike Arroyo, Tumulak na ng Japan
News - Major News
Thursday, 03 May 2012 05:56

 

Umalis na patungong Japan si dating First Gentleman Mike Arroyo para sa kanyang isang linggong business trip at bakasyon.

Madaling araw ng Huwebes nang mamataan si Ginoong Arroyo sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport, sa Pasay City.

 

 

Kinumpirma ni Atty. Edna Batacan, legal counsel ni Arroyo, dakong 6:20 nang umalis ang kanyang kliyente lulan ng Cathay Pacific flight patungong Narita  International Airport sa Tokyo, Japan.

Layon ng business trip ng dating unang ginoo na makahimok ng mga investor para sa isang electricity project sa Pilipinas.

Matapos nito ay tutulak patungong Hongkong ang asawa ni dating Pangulong Gloria Arroyo para sa kanyang bakasyon.

Bagaman nahaharap sa kasong graft kaugnay sa NBN-ZTE Deal scandal si Atty. Arroyo, pinayagan ito ng Sandiganbayan 4th division na lumabas ng bansa makaraang magbayad ng 90,000 pesos na travel bond.

Tiniyak naman ni Batacan na babalik ang kanyang kliyente sa Mayo 10.

 

 

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000