You are here :  
Today is : Monday, 20 May 2013
3 Patay sa Pagsalpok ng AUV sa Tren ng PNR sa Candelaria, Quezon
News - Major News
Thursday, 03 May 2012 05:53

Tatlo na ang patay kabilang ang isang 5 taong gulang na babae nang sumalpok ang isang Asian Utility Vehicle sa tren ng Philippine National Railways, sa Candelaria, Quezon, kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Quesea Nicole Bolos, 5; Paula Oliquiano Carasig, 17 at Nancy Oliquiano, pawang pasahero ng puting Toyota Innova na may plakang ZDH-485.

Ayon kay Candelaria Police Head, Supt. Arsenio Bantayan, siyam pang pasahero ng Innova kabilang ang driver nito na si Jonathan Domingo Agasin ng Caloocan City ang lubhang nasugatan.

Naganap anya ang insidente sa Maharlika highway sa Barangay Masin, dakong alas-4.

Sinabi naman ni P.N.R. Transportation Manager Estelito Nievra na bagaman pinahinto ng flagman ng riles ang Innova, humarurot pa rin ito at hindi inalintana ang paparating na tren na minamaneho ni Fransisco Ramos.

Patungo sanang maynila ang tren ng PNR habang sa Lucena City ang biyahe ng Innova.

Wala namang nasugatan sa mga pasahero ng tren.

 

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000