You are here :
Today is : Saturday, 25 May 2013
--- Malakanyang Sumakay din sa isyu ng negatibong pagsasalarawan ng Pilipinas ng isang manunulat --- Pilipinas papasaklolo sa World Opinion para sa West Philippine Sea dispute --- Mga Paring pakialamero binanatan ni Senador Santiago --- PAGCOR hindi exempted sa BIR collections --- Comelec Chairman Inamin ang problema sa PCOS --- Bomba sumabog sa Pagadian City --- Antipolo City Library Nasunog, Comelec Office nadamay --- PNP bibili ng multi-million equipment, mga bidders wanted --- OFWs pasok na ulit sa Taiwan --- Rep. Manny Pacquiao, PInakamayaman Kongresista parin ---
| PNP, Naka-Full Alert sa 45th ADB Meeting |
| News - Major News |
| Wednesday, 02 May 2012 05:41 |
|
Naka-full alert ang PNP para sa 45th Asian Development Bank o ADB meeting na magsisimula ngayong araw hanggang sa Sabado. Sinabi ni Manila Police District Director, Chief Supt. Alex Gutierrez na bagaman isasagawa ang adb meeting sa PICC, sa Pasay City, nanunuluyan sa mga hotel sa Metro Manila ang karamihan sa mga finance ministers at delegates mula sa mahigit 60 bansa.
Kaugnay nito, bantay-sarado ang mga hotel, restaurant, mall at iba pang business establishments na maaaring puntahan ng mga delegado. Nasa 3000 pulis at militar naman ang ipinakalat na sa PICC para tiyakin ang seguridad ng mga dadalo sa ADB meeting.
|







