You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
Ambassador ng UAE, Inakusahan ng Sexual Harassment ng 2 Pinay
News - Major News
Friday, 27 April 2012 04:11

Inakusahan ng dalawang Filipina ng sexual harassment ang ambassador ng United Arab Emirates.

Ang mga biktima na itinago sa pangalang “Cherry” at “Liza” ay halos sampung taon nang nagta-trabaho bilang house helpers ni UAE Ambassador Moosa Abdulwahid Alkhajah.

Gayunman, ito anila ang kauna-unahang pagkakataon na nakaranas sila ng sexual harassment sa kamay ng kanilang amo.

Sa salaysay ng dalawa, pinilit sila ni Alkhajah na i-masahe ang katawan nito habang naka-underwear lang ito.

Hiniling din umano ng ambassador na magtalik sila, na ilang beses namang tinanggihan ng mga biktima kaya nagalit ito hanggang sa magpasya silang mag-resign.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000