| Mga Pinoy sa Iba't-Ibang Bansa, Planong Magprotesta Laban sa China |
| News - Major News |
| Thursday, 26 April 2012 08:19 |
|
Plano ng mga Filipino sa ibang bansa na maglunsad ng worldwide protest laban sa China. Ito’y bilang suporta sa karapatan ng Pilipinas sa Spratly Islands na inaangkin din ng Tsina.
Ayon sa US Pinoys for Good Governance, magsasagawa sila ng mga demonstrasyon sa tapat ng mga Chinese embassy sa iba’t ibang lungsod sa Estados Unidos tulad sa Washington DC; New York; Chicago; gayundin sa Vancouver, Canada; Sydney, Australia; Singapore; Rome, Italy at Hong Kong.
Kumbinsido ang grupo na mas may karapatan ang Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo at hindi dapat magpasindak sa pang-bubully ng China kahit pa may malakas na pwersang militar ito. Base sa pag-aaral ng US Energy Information and Administration noong 2008, tinatayang 213 billion barrels ang oil reserve sa West Philippine Sea partikular sa Spratly’s.
|







