|
News -
Major News
|
|
Friday, 26 February 2010 04:10 |
|
Muling inaresto ng mga tauhan ng Intelligence Service ng AFP ang dalawang miyembro ng Magdalo Group na una nang pinayagang makapagpiyansa ng Makati RTC Branch 150.
Kinilala ang mga ito na sina Capt. Gary Alejano at Sr. Grade James Layug.
Kabilang ang dalawa sa grupo nina Senador Antonio Trillanes IV at Brig. Gen. Danilo Lim na pinayagan ng korte na pansamantalang makalaya sa pamamagitan ng paglalagak ng tig-dalawandaang libong pisong piyansa kaugnay sa kasong rebelyon sa manila pen siege.
Gayunman, sa paglabas sa PNP Custodial Center, agad dinampot ng mga tauhan ng ISAFP sina Alejano at Layug dahil may kinakaharap pa silang kahalintulad na kaso sa General Court Martial 3 sa Kampo Aguinaldo.
Sa Alejano ay kumakandidato bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Taguig city habang si Layug ay tumatakbong alkalde sa Sipalay City, Negros Occidental. |