You are here :  
Today is : Sunday, 19 May 2013
10,000 Kilo ng Tilapia, Patay sa Magat Dam!
News - Major News
Thursday, 25 February 2010 08:16

Tinatayang 10,000 kilong tilapia ang namatay dahil sa kakulangan ng oxygen bunsod ng mababang water level sa Magat Dam, sa Isabela.

Itinuturing ito ni Malcolm Sarmiento,chief ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na pinakamalalang fishkill sa Magat Dam sa kasaysayan.

Nagbabala rin si Sarmiento na posibleng may maglutangan pang mga tilapia sa mga susunod na araw dahil patuloy na bumababa ang tubig sa magat.

Pinayuhan naman ng opisyal ang mga fish cage operator na magsagawa na lamang ng premature harvest para maagapan at mapakinabangan ang natitirang tilapia.

Pinalilibing din ni Sarmiento sa mga fish cage operator ang mga patay na isda at pinagbawalan silang ipagbili ang mga ito.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000