|
News -
Major News
|
|
Wednesday, 24 February 2010 09:34 |
|
Si Budget Secretary Rolando Andaya Jr. ang unang appointive official na tumalima sa ruling ng Korte Suprema para sa mga kakandidato sa May 10 elections.
Sinabi ni Andaya na isinumite na niya ang kanyang resignation letter kay Pangulong Gloria Arroyo.
Aniya, nasa pagpapasya ng pangulo kung kailan ang effectivity ng kanyang pagbibitiw.
Kumakandidato si Andaya bilang kongresista sa Camarines Sur.
Hindi naman hihintayin ni Justice Secretary Agnes Devanadera na pagtibayin ng Korte Suprema ang desisyon nito na “considered resigned” ang mga cabinet official na naghain ng kanilang certificate of candidacy.
Sinabi ni Devanadera na handa na siyang magbitiw sa kanyang pwesto at katunayan ay mayroon na siyang itinakdang petsa kung kailan siya magre-resign.
Gayunman, tumanggi ang kalihim na sabihin kung kailan ito magbibitiw.
Ayon kay Devanadera, bilang kandidayo ay kailangan niya ng sapat na panahon para paghandaan ang kanyang kandidatura.
Si Devanadera ay kumakandidato bilang kinatawan sa lalawigan ng Quezon. |