You are here :  
Today is : Tuesday, 21 May 2013
Malakanyang, Tiniyak na Hindi Mababakante ang Gabinete!
News - Major News
Tuesday, 23 February 2010 07:24

Tiniyak ng Malakanyang na walang mababakanteng pwesto sa gabinete sa sandaling pagtibayin ng Korte Suprema ang ruling na “considered resigned” ang appointive officials na naghain ng certificate of candidacy.

Ayon kay Press Secretary Crispulo Icban Jr., may mga senior official at undersecretaries na maaring pumalit sa mga miyembro ng gabinete na magbibitiw.

Aniya, matagal nang nakahanda ang mga kakandidatong opisyal at  mayroong time frame kung kailan sila magre-resign.

Kabilang sa mga ito sina Executive Secretary Eduardo Ermita, Justice Secretary Agnes Devanadera at Agriculture Secretary Arthur Yap na mga kandidato bilang kongresista sa Batangas, Quezon at Bohol.

Nangako naman ang Supreme Court na agad maglalabas desisyon kung may maghahain ng 'motion for reconsideration' o 'motion for clarification' sa kanilang bagong ruling.

Ayon kay Supreme Court Spokesman, Atty. Midas Marquez, tatalakayin agad sa sesyon ang anumang motion na ihahain kaugnay sa ruling.

Binigyang-diin ni Marquez na may sesyon ang Korte Suprema kada linggo.

May labinlimang araw ang mga apektado ng desisyon na makapaghain ng kanilang motion matapos nilang matanggap ang kopya ng ruling.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000