You are here :  
Today is : Tuesday, 21 May 2013
PAG-ASA, Nagbabala Laban Sa Heatstroke At Mga Sakit Na Naililipat Ng Mga Lamok!
News - Major News
Monday, 22 February 2010 08:24

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagtaas ng kaso ng heatstroke, dengue at iba pang vector-borne diseases o mga sakit na naililipat ng mga micro-organism tulad ng lamok sa ibang lugar kung saan posibleng umabot sa 40 degrees ang temperatura.

Ayon kay PAGASA Chief Weather Forecaster Nathaniel Cruz, ang mga ganitong uri ng sakit ay madalas manalasa sa panahon ng tag-init na maaring tumagal hanggang Mayo.
Sa record ng PAGASA, naitala ang init ng panahon sa temperature mula 39 hanggang 42 degrees sa Tuguegarao sa Cagayan, Muñoz sa Nueva Ecija at General Santos City.

Pinayuhan ni Cruz ang publiko na manatili sa mga well-ventilated area at magsuot ng mga komportableng damit.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000