|
News -
Major News
|
|
Monday, 22 February 2010 03:44 |
|
Inamin ni Comelec Spokesman James Jimenez na walang security markings ng National Printing Office ang mga balota na gagamitin sa ARMM.
Binigyang-diin naman ni Jimenez na mayroong Comelec at Smartmatic security markings ang mga balota na higit na importante kumpara sa NPO markings.
Ipinaliwanag ni Jimenez na hindi na nalagyan ng NPO markings ang mga balota para sa ARMM dahil hindi pa na-configure ang mga printer nang iimprenta ang mga ito.
Iginiit din ng opisyal na babasahin pa rin ng mga PCOS machine ang mga balota kahit wala itong security markings ng NPO.
As of January 15, umaabot sa halos 1.9 million ang botante sa ARMM at tiniyak ni Jimenez na may inilaan silang balota para sa mga ito.
Ang ARMM ballots ay may habang 27 inches na mas mahaba sa ibang balota dahil may Arabic translations ang mga regulasyong nakasulat dito. |