|
News -
Major News
|
|
Friday, 19 February 2010 09:59 |
|
Bumaba ang bilang ng mga negosyante na magbibigay ng donasyon sa mga presidential candidate at marami sa mga ito ay isang kandidato lamang ang susuportahan.
Lumitaw ito sa November 3 hanggang December 5, 2009 survey ng Social Weather Stations sa 550 business managers mula sa National Capital Region, Davao, Cagayan De Oro, Cavite, Laguna at Batangas.
Sa naturang bilang, 68 percent ang nagsabi na hindi sila magdo-donate kumpara sa 54 percent noong 2004 presidential election. Sa tanong kung ilan ang kanilang bibigyan ng tulong pinansyal, 14 percent ang nagsabi na isang kandidato lamang sa isang posisyon ang kanilang susuportahan kumpara sa 12 percent noong 2004. Paniniwala naman sa plataporma ng isang kandidato ang dahilan ng mga business managers kung bakit sila sumusuporta sa isang kandidato base pa rin sa survey ng SWS.
Sa limandaan at limampung negosyante na respondents sa survey, 68 percent ang nagsabi na bilib sila sa plataporma ng kandidato na kanilang sinusuportahan.
Sa mga respondent, 5o percent naman ang umamin na nagbibigay sila ng pera sa kandidato dahil posibleng mangailangan sila ng tulong nito sa mga darating na panahon. |