You are here :  
Today is : Friday, 24 May 2013
Pangulong Arroyo, Hinamon Na Aminin Muna Ang Mga Pagkakamali Bago Mag-Alok Ng Rekonsilyasyon!
News - Major News
Thursday, 18 February 2010 11:08

Bagamat bukas sa alok na rekonsilyasyon ni Pangulong Gloria Arroyo, sinabi ni Senador Aquilino Pimentel Jr., na dapat munang aminin ng punong ehekutibo ang kanyang mga pagkakamali at humingi ng paumanhin sa taumbayan bago ito bumaba sa pwesto.

Gayunman, sinabi ni Pimentel na hindi rin naman dapat makipagrekonsilyasyon dahil naghahayag lamang ng opinyon ang mga kritiko ni Pangulong Arroyo hinggil sa mga pampublikong usapin.
Ayon kay Pimentel, hindi naman kailangang maging magka-away ng personalan ang oposisyon at ang administrasyon kundi maging political opponents lamang.

Ito rin aniya ang kanyang masasabi kay Senate President Juan Ponce Enrile.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000