You are here :  
Today is : Thursday, 23 May 2013
Pagtakas ng Dating Maguindanao PNP Director, Kinumpirma!
News - Major News
Thursday, 18 February 2010 02:34

Kumpirmado ang pagtakas ni dating Maguindanao PNP Provincial Director Superintendent Adam Piang Sr.

Ayon kay Senior Superintendent. Alex Lineses, acting provincial director ng Maguindanao, isang text message ang kanyang natanggap kahapon na nagsasabing tumakas sa kanyang selda sa Sultan Kudarat Jail si Piang.
Nilinaw naman ng opisyal na walang kinalaman sa naganap na Maguindanao Massacre ang kasong kinakaharap ni Piang kundi nahaharap ito sa kasong illegal possession of high powered firearms.

Si Piang ay ay dinakip noong Disyembre 2009  dahil sa pag-iingat na mga high-powered firearms kung saan nakumpiska sa kanya ang dalawang M16 armalite rifles, dalawang granada, at magazines na loaded ng mga bala.

Si Piang ay nagretiro noong May 8, 2009 bilang provincial director ng Maguindanao province.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000