You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
Pansamantalang Paglaya nina Trillanes at Lim, Posibleng Maudlot!
News - Major News
Wednesday, 17 February 2010 12:13

Makakatikim na sana ng pansamantalang kalayaan sina Senador Antonio Trillanes IV, dating Brig. Gen. Danilo Lim at labinganim na iba pang nahaharap sa kasong rebelyon kaugnay ng Manila Pen Siege noong 2007 matapos silang payagang makapagpyansa ng korte habang dinidinig ang kaso.

Ito ay dahil walang nakita si Judge Elmo Alameda ng Makati Regional Trial Court Branch 15 na sapat na ebidensya upang hindi pagbigyan ang apila ni Trillanes para makapagpyansa.
Kasunod ng desisyon, agad pinasalamatan nina Trillanes at Lim si Judge Alameda at itinuring nilang tagumpay ito para sa justice system.

Sina Trillanes at Lim kasama ang labing-anim na iba pang sundalo ay nag-take over sa hotel sa makati kung saan may mga na-trap na mga sibilyan at mamamahayag.

Ngunit ayon kay AFP Spokesman Lt. Col. Romeo Brawner Jr., bukod sa mga kasong nakahain sa civilian court, kapwa nahaharap sina Trillanes at Lim sa court martial proceedings sa kanilang partisipasyon naman sa Oakwood Mutiny noong 2003.

Sinabi ni Brawner na walang probisyon ng pyansa sa military court.

Sakop lamang ng bail order ng Makati RTC ang rebellion charges na nakasampa laban kina trillanes ngunit hindi ang mga kaso sa military court.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000