You are here :  
Today is : Thursday, 23 May 2013
Presidentiables, Gumastos ng Mahigit P 2 Billion Bago ang Campaign Period!
News - Major News
Wednesday, 17 February 2010 04:02

Mahigit dalawang bilyong piso na ang ginastos ng anim sa sampung presidential candidates sa kanilang TV, radio at print ads mula Nobyembre hanggang Enero o bago ang campaign period.

Batay ito sa record ng media monitoring agency na A.G.B. Nielsen Media Research bagaman posibleng mas mababa ang actual cost dahil may ilang media entities ang nag-aalok ng package cost.


Mula Nobyembre 1 hanggang Enero 31, umabot na sa mahigit isang bilyong piso ang ginugol ni Nacionalista Party Presidential Bet Manny Villar sa kanyang advertisements.

Kumpara ito sa P407 million na ginastos ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilberto Teodoro Jr.

Umabot naman sa P269 million ang ginastos ni Liberal Party Presidential Candidate Noynoy Aquino sa naturang panahon.

Nasa P245 million naman ang ad values ni Bagumbayan Presidential Candidate Dick Gordon; P90 million kay Bangon Pilipinas Candidate Eddie Villanueva at P 84 million kay Puwersa Ng Masang Pilipino Standard Bearer Erap Estrada.

Ang presidential candidate ay maaari lamang gumastos ng  500 million pesos o 10 pesos per voter.

 

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000