You are here :  
Today is : Saturday, 25 May 2013
Mga Artista, Hindi Na Obligadong Magbakasyon Habang Campaign Period - Comelec
News - Major News
Monday, 15 February 2010 07:17

Nilinaw ng Comelec na hindi obligadong mag-resign  o  mag-leave ang mga media practitioner may ini-endorsong kandidato.

Sinabi ni Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal na nasa discretion na ng network o ng mismong endorser kung magbibitiw  o magbabakasyon ito sa trabaho.


Binalaan naman ni Larrazabal ang mga celebrity endorser na huwag gamitin ang kanilang air time sa pagpo-promote ng mga kandidato.

Aniya, ang sinumang lalabag ay makukulong ng isa hanggang anim na taon at posibleng alisan ito ng karapatan na lumahok sa halalan.

Pinalagan ng mga taga-media ang panukala ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting na mag-leave ang mga celebrity na may ini-endorsong kandidato dahil paglabag anila ito sa kanilang constitutional rights na magpahayag ng kanilang saloobin.

 

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000