|
News -
Major News
|
|
Tuesday, 24 May 2011 07:55 |
|
Inaasahang aakyat sa kategoryang “typhoon” ang bagyong "Chedeng," ngayong hapon o bukas ng umaga.
Ipinaliwanag ni DOST Undersecretary Graciano Yumul na ang nararamdamang sama ng panahon sa Bicol at Samar ay bunsod pa lamang ng tinatawag na outer band ni Chedeng.
Aniya, habang lumalapit ang inner band ng bagyo ay mas marami ang dadalhing nitong pag-ulan at mas malakas ang hangin.
Inihayag naman ni PAGASA Chief Weather Forecaster Robert Sawi na magla-landfall sa hilagang Luzon si Chedeng, sa Biyernes habang sa Sabado ay inaasahang kikilos ito patungong Batanes area at tuloy-tuloy na ng Taiwan.
Nilinaw din ni sawi na epekto lamang ng hanging Habagat ang mararanasang pag-ulan sa Metro Manila hanggang mamayang gabi.
Mararamdaman aniya sa Kamaynilaan ang epekto ni Chedeng sa Huwebes ng gabi. |