You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
Poll Automation, Wala Nang Hadlang!
News - Major News
Thursday, 11 February 2010 04:07

Wala nang hadlang ang kauna-unahang nationwide poll automation sa ika-sampu ng Mayo.

Sa botong 13 - 2, ibinasura ng Korte Suprema ang mga apila ng mga petitioner sa pangunguna ni Atty. Harry Roque Jr. na kumuwestyon sa ligalidad ng 7.2 billion peso poll automation deal ng Comelec at Smartmatic-Total Information Management Corp .
Sa labinlimang pahinang desisyon ng Supreme Court na pinonente ni Associate Justice Presbitero Velasco, Jr.,  wala itong nakitang bagong argumento sa apila.

Kinuwestyon ng grupo ni Roque ang kontrata dahil mistula aniyang ipinaubaya ng Comelec  sa Smartmatic-TIM ang pangangasiwa sa halalan.

Wala rin aniya silbi ang automation dahil sa pahayag ni Comelec Chairman Jose Melo na naghahanda ang poll body sa posibleng paggamit nila ng manual system sa eleksyon.

Nilinaw  naman  ni  Melo  na  ang kanyang pahayag ay para lamang sa mga lugar na mahina ang mobile network signal.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000