|
News -
Major News
|
|
Wednesday, 10 February 2010 08:21 |
|
Binigyan ng Quezon City RTC Branch 221 ng sampung araw si Philip Pantojan, isa sa mga abogado ng pamilya Ampatuan para ipaliwanag ang hindi nito pagdalo kanina sa pagdinig sa multiple murder case laban kay Mayor Andal Ampatuan Jr.
Ito’y matapos hilingin ng prosecution panel sa korte na atasan si Pantojan na magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat i-cite for contempt.
Inatasan ng mababang korte ang abogado na magsumite ng argumento sa motion to cite for contempt na inihain laban sa kanya ng prosekusyon.
Inihayag naman ni Sigfrid Fortun, isa pa sa mga abogado ni Andal Jr. na hindi nila makontak si Pantojan.
Una nang inakusahan ni Pantojan si Chief Justice Reynato Puno na iniimpluwensyahan ang mga kapwa mahistrado para ibasura ang lahat ng mosyon ng depensa gaya ng hiling ng mga ampatuan na huwag ilipat sa Quezon City RTC ang rebellion case laban sa kanila mula sa Mindanao.
|