You are here :  
Today is : Tuesday, 21 May 2013
Kamag-anak ng 43 Health Workers na Inaresto sa Morong, Rizal, Nagpasaklolo sa Korte Suprema!
News - Major News
Tuesday, 09 February 2010 06:35

Nagpasaklolo sa Korte Suprema ang pamilya ng 43 health workers na inaresto sa Morong, Rizal noong Sabado.

Sa petition for writ of habeas corpus, iginiit ng mga kaanak ng mga dinampot na walang katotohanan ang bintang ng AFP na mga miyembro ng NPA ang mga health worker.
Nagsagawa rin ng demonstrasyon ang kaanak ng mga dinakip sa harapan ng Korte Suprema sa Padre Faura, sa Maynila kung saan nila binatikos ang militar.

Binuweltahan ni 2nd Infantry Division Chief,  Major General George Segovia ang grupong Bayan sa akusasyon na nilabag nila ang karapatang pantao ng 43 health workers sa Morong, Rizal.

Sinabi ng heneral na dumaan sa mahabang surveillance ang kanilang operasyon bago isinagawa ang pag-aresto.

Tugon ito ni Segovia sa pahayag ni Partylist Representative Teddy Casiño na medical practitioners ang mga dinakip.

Aniya, umamin na ang pito na taga-Mindoro na myembro sila ng NPA.

Positibo rin  tinukoy ni Inspector Rex Cuntapay ang apat na kumidnap sa kanya at tatlong iba pang taga-batangas na kasamahan ng mga ito.

S.O.P., ayon sa heneral na iposas ang mga inaresto upang hindi makapanlaban at bahagi rin ng camp restriction ang pag-blind fold kung kinakailangan upang maiwasan ang familiarity sa lugar para hindi makatakas.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000