You are here :  
Today is : Monday, 06 September 2010
Pag-Iimprenta Ng Mga Balota, Muling Naudlot Dahil Sa Problemang Teknikal!
News - Major News
Monday, 08 February 2010 08:19

“Technical considerations” ang idinahilan ng Smartmatic-TIM sa muling pagkaantala ng pag-imprenta ng mga balota para sa May 10 elections.

Parehong hindi natuloy ang pag-imprenta ng mga balota sa National Printing Office, kagabi at kaninang alas-diyes.
Hanggang kaninang alas-dose y medya ay kina-calibrate pa ang mga makina para matiyak na walang magiging problema sa pag-iimprenta.

Sa sandaling magsimula ang printing ay inaasahang makapagpo-produced ang N.P.O ng pitundaan pitumpu’t anim na libong balota sa loob ng walong oras.

Simula naman sa Biyernes  o  Sabado, magiging bente kwatro oras na ang operasyon ng N.P.O. at hahatiin sa tatlong shifts ang kanilang mga tauhan.

Unang itinakda ang pag-iimprenta ng balota noong Enero 25 subalit iniurong ito sa Enero 31 at iniatras muli kahapon.

 

Add comment


Security code
Refresh

Related News

Live Video Streaming

typhoon 2000