|
News -
Government
|
|
Monday, 08 February 2010 08:14 |
|
Ibinulgar ni dating NEDA Secretary General Ralph Recto na umabot sa 10.4 billion pesos ang ginastos ng pamahalaan sa consultancy at iba pang professional fees noong 2008.
Ipinaliwanag ni Recto na ang gastos sa professional services ay kabilang sa operational expenses na kadalasang dahilan ng pagbaba sa alokasyon para sa payroll.
Sa nabanggit na halaga, 1.73 billion pesos ang ibinayad ng gobyerno sa tinawag nitong “army of consultants”.
Ang 2008 expenses para sa professional services ay malayo kumpara noong 2007 na umabot lamang sa 405 million pesos.
Pinakamalaking consultancy fees ang ginastos ng Senado at Kamara na umabot sa 277 million pesos, na sinundan ng Department of Agrarian Reform, 181.5 million.
Sumunod ang DOTC, 144 million; Department of Finance, 130.2 million at Department of Education, 125.2 million |