You are here :  
Today is : Monday, 06 September 2010
Bangkay ng Filipina Na Na-Trap Sa Gumuhong Gusali sa Haiti, Narekober Na!
News - Major News
Monday, 08 February 2010 08:11

Narekober na ang katawan ng Filipina worker na na-trap sa gumuhong Carribean Supermarket, sa Haiti na niyanig ng magnitude 7 na lindol, noong Enero 13.

Ayon sa DFA,  base sa ulat ni Lieutenant Colonel Lope Dagoy, commander ng 10th Philippine Peacekeeping contingent, narekober ang bangkay ni Mary Grace Fabian, alas dose ng hatinggabi, oras sa Pilipinas.
Positibo itong kinilala ni Lowel Lalican, asawa ni Geraldine Lalican na isa pang OFW na na-trap sa gumuhong supermarket.

Nakilala si Fabian sa pamamagitan ng buhok at suot nitong kwintas at uniporme sa supermarket.

Nagpasya si Rosalyn na ilibing agad ang kapatid sa National Cemetery sa Port-Au-Prince na kapital ng Haiti.

 

Add comment


Security code
Refresh

Related News

Live Video Streaming

typhoon 2000