You are here :  
Today is : Monday, 06 September 2010
4 sa 8 Napatay na Kidnappers, Tukoy na!
News - Major News
Monday, 08 February 2010 06:55

Tukoy na ng mga awtoridad ang apat sa walong hinihinalang kidnappers na napatay sa shootout sa Candelaria, Quezon, madaling-araw ng Lunes.

Ang mga ito ay sina Wilbert Ilumin Mauricio, residente ng Country Homes, Las Piñas City;  Roger Dasnes Bailon ng Cainta, Rizal;  Jojo Salazar at Samuel Reonico, kapwa residente ng Quezon City.


Pasado alas-singko ng madaling-araw nang maganap ang shootout nang hindi huminto ang mga hinihinalang kidnapper sa checkpoint sa Sitio Taguan, Barangay Bukal Sur.

Ayon kay Sr. Supt. Elmo Francis Cerona, hepe ng Quezon Provincial Police, bukod sa mga narekober na armas, nakuha rin ng mga awtoridad sa crime scene ang labing-anim na piraso ng tseke na umaabot sa pitundaan at limanlibong piso ang halaga at mga cellphone.

 

 

Add comment


Security code
Refresh

Live Video Streaming

typhoon 2000